YES!!!! Panalo si Pacman! Halos zero crime rate na naman ang Metro Manila! Ang saya-saya! Saan kayo nanood? Ako, doon sa Olivarez, at, kung nandoon rin kayo, grabe ang speech ni Ed Zialcita! As I quote, "Kama? Kamang 33,000?". Yun, masyadong mahaba eh, mahaba na para matapos ang 10 rounds ng boxing. SONA na ata yun ah! Ayun, kawawa si Cotto. Lamog ang mukha at duguan. TKO ng 12th round yung nangyari. Eh ano naman ngayon yung tungkol doon sa Pulling Hair? Yun yung sinabi ni Pacman sa commercial niya ng Head and Shoulders. And I quote "Pulling hair? Bago ka ma-knocout niyan, subukan mo ito." Hahaha.
PERSONAL UPDATE:
Light diet muna ako ngayon dahil masakit ang tiyan ko. Ewan ko ba kung may amoebiasis ba ako o diarrhea o constipation. Dahil diyan, marami na saking pinainom na gamot. Kaya hyper ako ngayon!!!! As in HYPEEEEEEEERRRRR! Nga pala, habang ginagawa ko itong blog post na ito, locked yung buong bahay namin at stranded ako sa bubong. I take that back, dumating na ang nanay ko at bubuksan na ang bahay! Yay!
November 15, 2009
Pacquiao, Cotto at "Pulling Hair"
Posted by XaveGregz at 7:13 PM 0 comments
November 13, 2009
Zombie na Michael Jackson at New Moon
Natatandaan ninyo pa ba yung dati kong blog post? Yung tungkol sa New Moon, sinabi ko doon na hindi ma-ipe-premiere dito sa Pilipinas ang New Moon. Hihingi lang ako ng patawad dahil sa November 19 ang premier ng New Moon. Okay, moving along.
Kung naglalaro kayo ng Plants vs. Zombies, at nakarating na kayo sa level 2-7, malamang nakita niyo na ito:
Oo, yan. Yan ang zombie na Michael Jackson. Bwiset nga lang, may back-up dancers pa yan.
Okay, ito na ang bagong segment ng mga blog posts ko! Heto na ang You Know?
I Know Na #1
Huwag na kayong magtago ng langis, tatanggalin na naman ang price ceiling! YOU KNOW?
Posted by XaveGregz at 11:11 AM 0 comments
October 19, 2009
Windows 7
Sa October 22 ire-release ang Windows 7. Para sa mga geek dyan, alam niyo naman yung disaster na nangyayari sa Windows Vista. Isang example nito ay ang walang kwentang speech recognition nito. Ayaw momg maniwala? Ito proof.
Hindi ko alam kung matatawa ako doon sa nag-dedemo o di kaya'y maawa.
Pero sabi ng Microsoft, mas maganda raw ang Windows 7. Energy efficient na, maganda pa ang GUI.
Kung ako sa iyo, bumili ka ng bagong machine na pre-installed ang Windows 7. Imbes na mag-upgrade ka mula XP o Vista. Halos parehas lang rin ang gastos dito.
Yun lang... hanggang sa muli!
Posted by XaveGregz at 12:36 PM 0 comments
October 18, 2009
Eroplanong Bumagsak, Justin Bieber at Ang Pa-Eemo
Okay, simulan natin sa eroplanong bumagsak.
Nag-aaral ako sa Computer para sa P.T. ng biglang namatay yung kuryente. Hindi ko na lang pinansin, baka may nag-jumper lang kasi. Maya-maya nagbukas ulit yung ilaw. Pagtingin ko sa labas, may usok. Tiningnan ko, at sumigaw ako, na parang skandaloso, "MAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYY SUNOOOOOOOOOOG!". Sinarahan ko ang bintana para hindi pumasok ang usok. At dahil mukhang malapit lang ito, nag-impake na ako. Mga damit na pang-isang linggo, mga libro ko, toothbrush at twalya. Umakyat ako sa roof deck para mas kita ko. At doon ko nabalitaan na plane crash pala yun. Sa isang bakanteng warehouse sa Villa Fidela bumagsak ito. Grabe, naabutan pa namin yung pinaka pagsabog ng eroplano. May apat na palapag rin yung fumes. Sabi sa news, 4 raw ang namatay, 3 lalaki at 1 babae. Pero sabi sa palengke, 8 raw ang namatay, 3 lalaki, 1 babae at 4 na kambing. "Roasted till charred goat available here!"
Justin Bieber
Wala lang. Medyo kaunti lang kasi yung traffic dito sa blog ko. Kaya naisipan ko siyang gawing topic. Maliit lang pala yun. 5'3 siya, at 15 na siya! Okay yun lang.... hahaha.
Pag-Eemo
Maraming nangyari sa akin the past few days. Kaya naisipan kong mag-paka-emo. Kaya, ito na ang desktop wallpaper ko.
Sa mga obserbasyon ko, ang mga magagaling na makata ay karaniwang depressed. Kaya sa next post ko, mapapakamakata ako! See you again!
Posted by XaveGregz at 10:07 AM 0 comments
Labels: 8-seater, emo, eroplano, justin bieber, las piƱas, makata, one time, villa fidela
September 29, 2009
Ondoy
Grabe yun! Nung Saturday bigla na lang dumating. Hindi tayo handa. Sobrang lakas ng ulan, sibrang dami ng ulan. Ang Hurricane Katrina ay nagbagsak ng 355 mm ng ulan, samantala si Ondoy nagbagsak ng 410 mm ng ulan. Ano ba yun. Habang nagse-search ako tungkol dito sa bagyong Ondoy, nakita ko ito sa deviantART. Ito ay isang storya tungkol kay bagyong Ondoy.
PAANO BA AKO MAKAKATULONG????
The simplest way. Through text.
Text mo ito RED
Pwedeng mag-donate ng P5, P10, P50, P100, P300.
BLESS THE PEOPLE WHO HAVE SUFFERED FROM THIS.
Posted by XaveGregz at 4:14 PM 0 comments
September 6, 2009
Paano madedetect ang AHINI!??
Sa mga hindi uso ang commonsense, ang AHINI! ay parehas lang sa A(H1N1). Meroon akong napanood sa isang Chinese news show. Isang pasyente na kinukuhanan ng laway at ipinatak sa parang isang card na foldable. After 5 minutes, lumabas ang resulta. finold ito ng doctor at nakapoint ang blue line sa "Normal". Pwede itong mag-point sa Influenza A o Influenza B. Ayos, parang pregnancy test lang! Parang ganito oh. Gumawa kayo ng baby ng virus. Positive ka sa test. Ang baby niyo is:
A) Butas na bulsa
B) Kabaong
C) Butas na bulsa at kabaong (Yay! Twins!)
Posted by XaveGregz at 9:25 AM 0 comments
Optical Ilussion
Promise. Walang mangugulat dito.
Sa itaas, ang mga uncut na 100 peso bill. Ano kaya ang mangyayari kapag nag-scroll up and down ka sa image?
(Picture courtesy of: philmoney.blogspot.com)
Posted by XaveGregz at 9:09 AM 0 comments
August 8, 2009
Gala sa SMSM at Cory Aquino
Okay sige si Cory Aquino muna ang unahin natin.
Ang daming nakipaglibing sa kanya. Ang dami ring pumunta sa burol. We will never forget you Tita Cory.
Ngayon mula sa malungkot punta tayo sa masaya!
Grabe ang weird kahapon. Ang dami naming naexperience. Kwento ko sa inyo. Nagaaya kasi si Bakla na manood ng sine lilibre niya raw si Polay. 10 days ang lumipas, araw na yun ng paggala namin sa SMSM, SM Southmall, wala siyang pera. Inutang kasi ni Bangkay at ni Abnormal para sa Science project nila. Kaya, umutang sakin, grabe talaga noh? Ang gagawin ng lalake para sa pagibig... HAY AMBOT! Edi sige, pinautang ko na lang siya ng 100, para malibre niya si Polay. Pumunta muna kami kasama si Metro Aid sa bahay namin. Kumain muna kami tapos pumanik sa office para magcomputer. Nagcomputer kami. Hanggang sa nagsawa na kami. Tiningnan ko yung oras, 3:24 na, 3:30 yung call time namin eh. Kaya umalis na kami at pumunta sa school, nagdebatihan habang inaantay sina krit, Prescripto, si Polay at si isteph. Hanggang sa dumating na si krit at si Prescripto, kasama ni Prescripto yung ate niya. Nagdebatihan ulit kung saan pupunta. Napagdesisyunan na, sa SMSM kami pupunta, kaso nga lang, nasa SM Bisaya, SM Sucat, sina Polay at si isteph. Kaya tinext na lang sila na sumunod sa SMSM. Nagreply, hindi raw pwede si isteph sa SMSM. Hayaan mo na, next time na lang. Habang nasa jeep kami, napansin ko na meroong lalake, katabi ng driver na nagfofold ng foil, yung pang drugs. Hindi ko na lang pinansin. Bumaba na yung mama, pero kalaunan meroon nanamang weird na nangyari, meroong sumakay na mga lalakeng mga edad 35-40 na halatang hindi edukado. Mga siga, pinausod kami ng mamang may putok na dating naka t-shirt, ngayon sando na lang. Eh wala nang mauusugan, nasisiksik na si Jan Di na nasa dulo. Pero wala kaming magagawa, wala naman kaming laban sa mga yun, kapag kaming tatlong lalake ang pinagsama, isang mama lang ang katumbas namin. Kaya dedma na lang. Mayamaya, meroon na namang incident. Meroong pumasok na solicitor ng isang missionary sa jeep. Nagbigay siya ng mga envelope para lagyan ng pera. Pumunta sa harapan, at naglitanya tungkol sa kanilang missionary. Wala kaming nagawa kundi magbigay na lang. Yung isang mama naman, naglakip ng bente at ng isang piso sa envelope, at nung kinuha na nung solicitor, ang nakuha lang ng solicitor yung piso, nasa mama yung bente. Talagang mangaasar. Nang bumaba na kami, meroong napulot yung isang mama na lipgloss, tinuro si Bakla, sabi niya "Wag mo nang ikaila! Sayo to noh?" sabay tapon ng lipgloss kay Bakla. Tinapon na lang namin, hindi naman samin yun eh, bakit namin aangkinin, baka yung gumamit nun may A(H1N1), mahawa pa kami. Nasa loob kami ng SMSM, nadaanan namin ang DQ, naisipan naming bumili ng ice cream. Since first time ko dun, hindi ako makapaniwala na totoo ang slogan nila. "Served upside down or it's free". Bago sakin ibigay yung aking Cookie Jar, binaliktad muna ito, at ibinigay sakin. Baka disaster yung mangyari kaya natatakot ako, pero libre naman yung ice cream kapag nahulog. Naglakad kami papuntang McDo para kumain ng meryenda. Pagkatapos, nag-Tom's World kami, ang saya, umabot sa 700+ ung mga tickets namin, sasabog na ung bulsa ni Bakla. Pinacard namin yung mga tickets at mula dun, bumili kami ng tatlong Piknik. Papalabas na kami ng madaanan namin ang NBS, naisipan namin na tumingin ng libro ni Bob Ong. Habang tumitingin kami, biglang nag-alarm. Si Prescripto pala yun. Akala ko, nagshoplift siya, pero hindi, paano siya makakapagshoplift kung galing siya mula sa labas? Tiningnan nung guard yung bag niya, chineck ang bawat isa. Hanggang sa marating niya ang pabangong Prescripto, dinaan doon sa scanner at nagalarm. Hahaha
Ano ang natutunan ko?
Natutunan ko na:
Ang SM Sucat ay pang-Bisaya
Kapag traffic, maghanda ka na ng barya, siguradong meroong solicitor na darating
Masarap pala sa DQ
Loner pala ang Coke kapag tumabi sa tatlong ice cream ng DQ
Posible mo palang mahit yung jackpot ng isang laro sa Tom's World
Imposible pala magkaroon ng strike sa Family Bowling 2
Meroon na palang Prescripto sa NBS
Yun lang ngayon, happy weekend!
Posted by XaveGregz at 8:09 AM 0 comments
July 23, 2009
Solar Eclipse
WOO! Ganun pala ang eclipse. First time kong makakita nang solar eclipse. Since bihira nga yon (at kung magkaron naman, paepal ang panahon), ngayon nakakita. Sabi sa balita, 8:33 raw makikita ang partial eclipse, AP namin non, pilit kami ng pilit kay Sir Ahl na nageeclipse na. Sabi naman niya, "Wala, kulimlim lang yun". Kaya naniwala na lang kami, nawalan kami ng pagasa na makita pa ang eclipse, 6 minutes and 32 seconds lang raw kasi makikita ang eclipse. Pero meron paring iba na nagpumilit, nagbell na. Saktong Science namin yun. Inaya namin kay Miss Alma na manood ng eclipse. Sabi niya "Bawal lumabas eh." Kaya, ganun na lang. Sabi namin sa sarili namin, "Next na lang." Habang umiilong ang dugo namin sa lesson sa Science, nakita namin si Miss Vargas na naglagay ng batsa sa may tapat ng library. Naisipan namin na tumingin rin dun. Merong tatlong nagpaalam. At, pumayag rin si Miss Alma. Ako naman yung sumunod. Tiningnan namin yung batsa, nakita namin yung araw na bahagyang natatakpan ng buwan. Tinanong sa amin ni Miss Vargas, "Do you see it? Kung nakikita mo, ano itsura?" Sinabi ko naman, "Parang cresent po". Tumango siya. Kung isa kayo sa mga hindi pinalad na makita ang eclipse, makikita niyo to through picture. Ito yung picture ng eclipse mula sa Quezon City courtesy of Rigurat from Wikipedia
Ang ganda noh? Until next time!
Posted by XaveGregz at 6:09 PM 0 comments
July 15, 2009
May Trangkaso
WOOHOO... meron akong trangkaso. Absent ako ngayon eh. Tama nga si Gillian, masaya kapag absent. Pero, baka meron silang gawin eh. Haaaaaaaaayy...
July 11, 2009
Michael Jackson at Outreach
Guys, buhay pa ako.... busy lang kasi masyado. Pero ngayong nakabalik na ako, balik blogging na ulit.
Michael Jackson
Oo, patay na si Michael Jackson. Alam kong sobrang last week na to. Pero gusto ko paring iblog eh. Isa sa mga paboritong kanta ko ay ang kanta niyang Man in the Mirror. Basta, alam ko namang alam niyo na yung mga detalye eh. RIP MJ.
Outreach
Dahil mababait kami *wink* *wink* nag outreach program kami. Nakakamiss yung mga bata. Yung alaga ko ang tahimik... sobrang tahimik. Parang yung isang kaklase ko, parang pipi, kung tatawa ngingiti lang. Hindi ko talaga yun makitang tumawa ng sobrang histerical. Going back, yun nga nagpakain kami ng mga bata...
(Clarification:
Hindi namin pinakain yung mga bata, ang ginawa lang namin, pinakain yung mga bata ng pagkain. Mas malinaw na diba???)
Masaya yung outreach namin...
Ito yung mga pics:
1. Get a pen and a piece of paper
2. Read every instruction carefully before proceeding.
3. Write your full name on that paper.
4. Beside your name draw a circle.
5. Beside the circle, draw another circle.
6. Make a curved line under the circle.
7. Shout your maiden name out loud three times.
8. Look behind you.
9. Add 1975574 and 45464735135 at the back of the paper.
10. Subtract the sum with 900000.
11. Multiply it with 4.
12. Divide it with 5.
13. On the front of the paper, below your name write any website that comes in your head.
14. Say I love you three times.
15. Say I hate you four times.
16. Get a glass of water.
17. Drink the water.
18. Take a picture of yourself.
19. Ignore all the instructions and just follow steps 1-3 to complete this activity.
Hahaha.. bb na!
Posted by XaveGregz at 4:57 PM 0 comments
Labels: activity, king of pop, lolz, michael jackson, outreach, pahirapan
June 13, 2009
Independence Day
Hindi ko kayo nakalimutan... siyempre, nagsimula na ang klase. Busy masyado. Ang daming homework . Kala ko nga ipapass na yung Religion assignment namin bukas eh. Hindi pala. Naiwanan ko pa yung formal theme sa Filipino, pinacocoveran samin ng pulang art paper/colored paper/kahit ano basta pula. WAAAAH!!! Moving right along...
Independence Day kahapon, walang pasok. Gusto ko sanang magblog pero, mabagal ang internet namin. Alam niyo naman kung ganong kabagal diba? Babatiin ko lang naman kayo ng Happy Independence Day. Yun lang. = )
Posted by XaveGregz at 2:57 PM 0 comments
June 6, 2009
Blog Update 1.1
Yes! Meron nanamang mga pagbabago dito sa blog!
1. Meron na itong sariling favicon. Hindi na siya yung B ng blogger. Yung smiley na nasa Friendster layout ko. Yun na yung favicon.
2. Idinudump ko na ang dot.tk URL ko. For now, kailangan mo nang itype ang buong URL ng blog. mixednoodlesoup.blogspot.com
3. Meron nang search box ang blog na ito!
4. Yung navbar ng blogger, makikita mo na lang siya kapag nag mouseover ka sa may itaas.
5. Lalagyan ko na ng labels ang mga blog post ko
June 4, 2009
A(H1N1) Update
22 na ang kaso ng Swine Flu dito sa Pilipinas. Pano kasi mali yung gamot na ginagamit nila. Pero meron akong kakilala na pumunta sa ospital, magpapaconfine siya. Sinabi niya sa admitting section na magpapaconfine siya dahil may Swine Flu siya. Sinabi ng doktor, o sige, kailangan lang pong bayaran ang mga admission fees. Eh ang sinabi niya, eh pano yun? 100 lang dala ko. Sabi naman ng doctor, ay sorry po, hindi po namin kayo maadmit hanggang hindi po kayo nagbabayad ng deposit. Sabi naman niya, Ay, ganon? O sige, manonood na lang ako ng sine. XD
Nga pala, sa mga taga-DOH, alam ko yung tamang gamot para sa A(H1N1).... Lysol ang gamitin niyo. Diba sabi sa commercial, "Kills the dreaded flu virus" hahaha
Have a great day! = P
Posted by XaveGregz at 6:40 PM 0 comments
Takipsilim: Bagong Buwan
Tinagalog ko lang. Kung napanood niyo yung Twilight, swerte niyo. kung hindi naman, ito yung full movie. Kung binasa niyo naman ang lahat ng mga Twilight books, ang sequel ng Twilight ay ang New Moon. November 20 ito ipalalabas, sa US. Sorry Twilight fanatics tingnan niyo pa yung website kung nasaan ang mga release dates, wala doon ang Pilipinas. Di bale Twilight fans, I'm sure masasatisfy ko naman kayo kapag ipinakita ko sa inyo yung official poster diba?
Okay na ba kayo? Hindi pa? Edi ito yung official trailer:
Kasalanan ni Jasper yung lahat, kasalanan rin niya kung bakit nagkaron nito. = ) Alam mo, since in topic naman ang CHACHA ngayon... pano kayo kung si Gloria at ang mga achuchu niya ang ilagay natin? Ay sus, ang ganda siguro non? hahaha
Nga pala, kahit hindi magprepremiere dito yung New Moon, mapapanood mo pa rin naman yun eh. Either original copy (mga P700-P800) o kaya pirated (mga P70-P100)
Posted by XaveGregz at 2:39 PM 1 comments
June 3, 2009
Boogie, Tango, CHACHA
Yes. Nakikisawsaw na rin ako sa politika. = ) Grabe eh. Objection ng objection yung minorya tapos si house speaker naman, ayaw makinig. Sabi nga ng lolo sa commercial ng Lucky Me.... "Ay binge." Paano kasi yung nagsabi ng "I", mga achuchu ni Gloria, yung mga nagsabi ng "Nay", kabayo, este, oposisyon. Grabe, pinagpuyatan nila yung CHACHA. Pero, parang kasi may hidden agenda sila eh. Ewan ko ba kung ako lang nakakapansin, kasi ayaw nila sabihin kung ano yung mga benefits na makukuha nila at ng tao. Hmmmm... ano kaya to? Bahala na lang. Kung ano ang mangyari dun sa CHACHA nila... sana gawin na lang nila sa ballroom. hahaha
Nga pala, may bagyo ba? Parang ipoipo kasi yung hangin eh.
Posted by XaveGregz at 2:36 PM 0 comments
June 2, 2009
Nakagat ako ng aso
Yes, it's true. Kinagat ako ng aso namin. Sa kamay, sa right hand ko pa. Pero hindi naman siya talagang kagat eh. Yung parang nagpantal lang ba. Wala namang dugo. First time akong makagat ng aso. Pero nakagat na ako ng pusa dati. Pano kasi, natapakan ko yung buntot ng pusa. Kung pwede lang ngang resbakan yung pusa eh. Kaso nga lang pinagbabawal ng batas. Pero, look at the bright side, kapag nakita yun nang animal protection organization, ipapabalita, at kapag napabalita, ang dami nang bibisita sa blog. Yay! Kung kaya ko lang ngang magibento nang ganong kabrutal na eksena.... hay
Posted by XaveGregz at 3:14 PM 0 comments
PASUKAN NA!!!!
Hay, ano ba yun? Parang walang nangyari nung bakasyon. Ngayon, pasukan na. Buti na lang yung SJA sa June 8 pa yung opening. Binigay ko ang link sa site nila para pagdating ng June 5, makita mo kung anong section ka, kung tinatamad ka naman, ipopost ko dito ang mga section ng 1st Year at Grade 6 ng SJA. Kung gusto niyong makita ang iba pang grade level, pagbotohan niyo na lang sa poll sa right side nitong blog. Moving right along, ano pa ba yung gagawin mo sa natitirang araw ng bakasyon? Bigyan na lang ko kayo ng tips kung ano pa yung pwede gawin niyo sa natitirang araw ng bakasyon.
1. PSP/PS2/PS3/XBOX/DS maghapon
2. Magbabad sa araw. (Kung hindi kayang mag-beach, sa taas na lang ng bubong)
3. Mag sky diving nang walang parachute
4. Gumawa ng hukay sa lupa, magpagawa ng lapida at ilagay ito sa itaas ng hukay, pumunta sa pinakamataas na lugar sa bahay niyo, tapatan ang butas at tumalon. Kapag nandun ka na, matulog ka nalang tapos paggising mo nasa heaven/impyerno ka na. (Kung walang pakelam ang pamilya mo)
5. Kung ayaw mong gawin ang number 3 at 4, maggm ka na lang ng maggm sa cellphone. Hayaan mo kung walang nagrereply, isipin mo na lang:
a. low bat
b. walang pakelam sayo
c. walang load
d. ayaw magunli/inaantay pa ang confirmation
e. patay na sila pero ayaw magparamdam
Yun lang = ) sana naging masaya ang bakasyon niyo.
Nga pala, sino nakakaalam ng direct telephone number ng may-ari ng PLDT. Ang bagal ng internet namin eh. Parang bang ganitooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo.
Oooops, nasira ko ata yung layout ng blogger.... anyways. hahaha
Posted by XaveGregz at 9:05 AM 0 comments
May 26, 2009
Swine Flu sa Pinas, Internet Laws at TANGA HINDI SAYO TO!!1ONE!
Unahin muna natin yung huling topic. Sabi nga sa Bible, "Who ever comes first shall come last, and who ever comes last shall come first." (wow, banal! paburjer ka naman!)
"TANGA HINDI SAYO TO!!!!!11111ONEONE!"
Okay, last Sunday, May 24 to be exact, pumunta ang mga pinsan ko dito sa amin, kasi birthday ng lolo ko. Natapos na kaming mananghalian ng inutusan kami na bumili ng:
1. Mga kung ano0anung chichirya
2. Mani (parehong pre-packed at lakong kalsada)
3. Yelo
4. Walang number 4 (WTFLOL)
Una muna naming binili ang mga chichirya at maning pre-packed sa Food City. Pagkatapos, tumingin na kami nang mani sa kalsada. Pero wala pang niluluto eh. Kaya nagproceed na lang kami sa yelo. Sinubukan namin yung bilyaran, kase sa pagkakaalam ko, may yelong tinitinda doon eh. Pero wala, kaya naglakad kami at nagtanongtanong sa mga tindahan. Wala silang yelo. Napaisip tuloy ako, "Ano ba yun? Summer na summer, walang yelo?". Nasa may Casimiro Town Homes na kami, merong isang lalaking naglalakad at may hawak na yelo. Sinabi bigla ng isa kong pinsan, "Ayun may yelo!" Sinagot naman nung lalake, "TANGA HINDI SAYO TO!"LOL. Ang iniisip namin, lasing yun, pero ang iniisip ko, ang aga-aga, sabog na?
Internet Laws
Kamakailan, pumutok ang mga sex scandal ni Hayden Kho sa internet. Si Katrina Halili ang isa sa mga babaeng nasa video. At para matapos na ang inyong pagka-green, sige, papakita ko sa inyo yung video:
Nabitin ko kayo ano? Hehehe.
Nilapitan ni Katrina Halili ang Gabriela at si Sen. Bong Revilla tungkol sa bagay na ito. Tinatanggi ni Hayden na siya yung nagpakalat ng video, sinasabi niya na ang nagpakalat ay ang datin niyang kaibigan. Ngayon, isinusulong ang isang batas sa Senado na magproprotekta sa mga babaeng nasangkot sa mga ganitong sex scandal. Pero ang iniisip ko, walang video kung walang magpapakuha. Hindi ba? Kung gagawa ka nalang ng sex video, kumuha ka na ng direktor, camera man, producer at editor. Pero alam niyo ba na ako lang ang nagiisang tao sa buong mundo na may ebidensya na hindi lang si Hayden Kho ang nagpakalat ng video. Kundi pati si Vicky Belo, si Sen. Bong Revilla, Katrina Halili, Lolit Solis, PGMA, aso ni Paris Hilton, ako at IKAW. Ito ang ebidensya:
Nakuha ko na naman kayo... hahahaha
Swine Flu sa Pinas
CONFIRMED! Meron ng AH1N1 dito sa Pilipinas. Ang masasabi ko lang, magsuot ka na ng mask at para sa Swine Flu virus, HAVE A GREAT STAY!
BTW, yung sa introduction, sinadya ko talaga na gawing burjer yun. Ginagaya ko lang si Abalos. = )
Posted by XaveGregz at 8:53 AM 0 comments
May 23, 2009
Blog Update 1.0
Hi readers! Musta? Ok lang? Kung napansin niyo, nagiba ako ng blog title. Nagiba rin ako ng URL. Hindi na THIS WORLD IS SO WEIRD at hindi na rin This is SRSLY the End of the Internet. Masyadong mahaba eh parang yung.... nevermind. hahaha. Ang bagong title nitong blog ay Mixed Noodle Soup at ang URL naman ay mixednoodlesoup.blogspot.com, mahaba ba? Eh di sa mixednoodlesoup.tk ka pumunta. Anyways, ito yung mga pagbabago sa blog.
1. Bagong blog title at blog URL (dot tk yun, libre lang yung URL)
2. Bagong layout (wow blue na!)
3. Magsismula na akong magpost ng technology topics (Tagalog, of course), hindi na puro experiences at news.
4. AT kapag may pagbabago sa blog, ganito na ang gagawin ko
Yun lang ngayon. Thanks for reading!
Posted by XaveGregz at 11:30 AM 0 comments
May 15, 2009
Masyadong naghihigpit ang BOQ
Grabe ang Bureau of Quarantine! Pati ba naman si David Cook at si David Archuleta hinigpitan! Sasampahan nga sana sila ng kaso eh... pero hindi nangyari. Diba media exxageration lang naman yun? Parang Conficker.
Posted by XaveGregz at 1:01 PM 0 comments
May 1, 2009
Halika Na't Tayo'y Maki-recession
NAGHIHIRAP NA BUONG MUNDO!!!!!!11!!!!!!ONEONEONE
Hindi!
Sa totoo lang, hindi naman tayo apektado ng krisis eh.... kasi matagal na may krisis dito. Sanay na kasi tayong mga Pinoy sa hirap. Kaya, kahit recession sa ibang bansa, parehas lang nangyayari dito. Nakiki-recession lang naman tayo eh.
Posted by XaveGregz at 9:57 AM 0 comments
April 17, 2009
Party sa bahay ni CHUBBS, Kuhanan ng card, Twitter, HuluTube, website ko at paglipat ng bahay
Hi! Medyo matagal na akong hindi nakakapagblog. Kaya ang gagawin ko ngaun ay isang maramihan na topic sa isang post. Okay, simulan na natin.
Party sa bahay ni lisa:
Matagal-tagal na rin un nangyari. Mga last last week ata. Ang saya nang party! Bago magumpisa ang party sa baba muna kami nag-antay.
Cna Jana, Krit at Jan
C Gosh
Ako at c Fred (Nahabaan ako sa remote = P)
Ako at ung tatlo kanina
C PauPau at c Bernice (emphasis on Bernince = P)
Since napupuno na ung baba ng mga high school dun, pumunta kami dun sa music room na nasa taas. Kumanta kami ni ng saglit bago kami kumain
Para magutom kau, sasabihin ko ung mga kinain namin dun:
1. Chips na may cheese dip
2. Sushi
3. Strwaberries and marshmallow (na idi-dip mo sa chocolate fountain)
4. Cheeseticks and fish balls (may flags of the US, UK, PH atbp.)
5. Hotdog
Un lng ung mga naalala ko eh. Pagkatapos ay bumalik ulit kmi sa music room. Habang nandun kami, biglang sinabi ni Armando na "Pakingan nyo to" at pinatugtog niya ung Tigidong. Dun sa mga hindi pa nakakaalam dun, ito ung video:
Grabe ang kumanta nun. Haha
Ito pa ung mga ibang pics.
Kuhanan ng card:
Pagkatapos ng kuhanan ng card inaya ako ng mga McDooders na mag Mcdo. Umoo ako sa alok nila. Bago kami pumunta sa Mcdo, dinaanan namin c lisa, kasu nga lng, wala p siya dun. Kaya, pinuntahan nmin c armando at inaya sya s mcdo. Pagkatapos namin kumain, pumunta kmi s filam life para pumunta s playground. Kaso nga lng, ang playground sarado pa. Pumunta n lng kmi s bhay ni lisa. Pagdating dun, naglaro kmi ng PS2 kung saan nagsisisigaw kmi dahil parang nagdrugs kung sumigaw c lisa (siya naglalaro eh). Mga 6 na nung umalis kmi dun, pumunta ulit kmi s filam, kaso nga lng, sarado n (wow, ang galing ng timing namin).
Twitter:
Nadiskubre ko n wala masyadong Pilipino s Twitter. Ibig sbihin nun.... wala masyadong Pilipino na kilala ko kaya kailangang English palagi ang mga tweets ko. Mag join n kayo s Twitter!
HuluTube:
Mahirap maexplain to... kaya nag-embed n lng ako ng video n tungkol d2. Ginawa to ng user na si therealweeklynews.
Website ko:
Meron akong bagong website. Click mo lng ito para makapunta k.
Paglipat ng bahay:
Mga next next week lilipat na kami s bagong bhay nmin. Malapit lng ito s bhay nmin ngaun.
Un n lhat! Pagod n ung kamay ko katatype. Bye!
Posted by XaveGregz at 3:49 PM 0 comments
March 17, 2009
The Internet was Quiet last 03-17-09
Grabe. Parang ako lang ang nag-iinternet. Walang nagtwi-twitter, walang IM sakin. Merong nag IM, pero isa lang. ANG TAHIMIK!
Hindi pa naman Earth Hour ha!
Posted by XaveGregz at 7:07 PM 0 comments
February 3, 2009
Concert
Patulog na ako noon, ng biglang mambasa si Raymond ng tubig! Ayun, nagising ako. Ang saya talaga noong concert, unforgetable yung gabi na iyon.
Posted by XaveGregz at 11:00 AM 0 comments