Okay sige si Cory Aquino muna ang unahin natin.
Ang daming nakipaglibing sa kanya. Ang dami ring pumunta sa burol. We will never forget you Tita Cory.
Ngayon mula sa malungkot punta tayo sa masaya!
Grabe ang weird kahapon. Ang dami naming naexperience. Kwento ko sa inyo. Nagaaya kasi si Bakla na manood ng sine lilibre niya raw si Polay. 10 days ang lumipas, araw na yun ng paggala namin sa SMSM, SM Southmall, wala siyang pera. Inutang kasi ni Bangkay at ni Abnormal para sa Science project nila. Kaya, umutang sakin, grabe talaga noh? Ang gagawin ng lalake para sa pagibig... HAY AMBOT! Edi sige, pinautang ko na lang siya ng 100, para malibre niya si Polay. Pumunta muna kami kasama si Metro Aid sa bahay namin. Kumain muna kami tapos pumanik sa office para magcomputer. Nagcomputer kami. Hanggang sa nagsawa na kami. Tiningnan ko yung oras, 3:24 na, 3:30 yung call time namin eh. Kaya umalis na kami at pumunta sa school, nagdebatihan habang inaantay sina krit, Prescripto, si Polay at si isteph. Hanggang sa dumating na si krit at si Prescripto, kasama ni Prescripto yung ate niya. Nagdebatihan ulit kung saan pupunta. Napagdesisyunan na, sa SMSM kami pupunta, kaso nga lang, nasa SM Bisaya, SM Sucat, sina Polay at si isteph. Kaya tinext na lang sila na sumunod sa SMSM. Nagreply, hindi raw pwede si isteph sa SMSM. Hayaan mo na, next time na lang. Habang nasa jeep kami, napansin ko na meroong lalake, katabi ng driver na nagfofold ng foil, yung pang drugs. Hindi ko na lang pinansin. Bumaba na yung mama, pero kalaunan meroon nanamang weird na nangyari, meroong sumakay na mga lalakeng mga edad 35-40 na halatang hindi edukado. Mga siga, pinausod kami ng mamang may putok na dating naka t-shirt, ngayon sando na lang. Eh wala nang mauusugan, nasisiksik na si Jan Di na nasa dulo. Pero wala kaming magagawa, wala naman kaming laban sa mga yun, kapag kaming tatlong lalake ang pinagsama, isang mama lang ang katumbas namin. Kaya dedma na lang. Mayamaya, meroon na namang incident. Meroong pumasok na solicitor ng isang missionary sa jeep. Nagbigay siya ng mga envelope para lagyan ng pera. Pumunta sa harapan, at naglitanya tungkol sa kanilang missionary. Wala kaming nagawa kundi magbigay na lang. Yung isang mama naman, naglakip ng bente at ng isang piso sa envelope, at nung kinuha na nung solicitor, ang nakuha lang ng solicitor yung piso, nasa mama yung bente. Talagang mangaasar. Nang bumaba na kami, meroong napulot yung isang mama na lipgloss, tinuro si Bakla, sabi niya "Wag mo nang ikaila! Sayo to noh?" sabay tapon ng lipgloss kay Bakla. Tinapon na lang namin, hindi naman samin yun eh, bakit namin aangkinin, baka yung gumamit nun may A(H1N1), mahawa pa kami. Nasa loob kami ng SMSM, nadaanan namin ang DQ, naisipan naming bumili ng ice cream. Since first time ko dun, hindi ako makapaniwala na totoo ang slogan nila. "Served upside down or it's free". Bago sakin ibigay yung aking Cookie Jar, binaliktad muna ito, at ibinigay sakin. Baka disaster yung mangyari kaya natatakot ako, pero libre naman yung ice cream kapag nahulog. Naglakad kami papuntang McDo para kumain ng meryenda. Pagkatapos, nag-Tom's World kami, ang saya, umabot sa 700+ ung mga tickets namin, sasabog na ung bulsa ni Bakla. Pinacard namin yung mga tickets at mula dun, bumili kami ng tatlong Piknik. Papalabas na kami ng madaanan namin ang NBS, naisipan namin na tumingin ng libro ni Bob Ong. Habang tumitingin kami, biglang nag-alarm. Si Prescripto pala yun. Akala ko, nagshoplift siya, pero hindi, paano siya makakapagshoplift kung galing siya mula sa labas? Tiningnan nung guard yung bag niya, chineck ang bawat isa. Hanggang sa marating niya ang pabangong Prescripto, dinaan doon sa scanner at nagalarm. Hahaha
Ano ang natutunan ko?
Natutunan ko na:
Ang SM Sucat ay pang-Bisaya
Kapag traffic, maghanda ka na ng barya, siguradong meroong solicitor na darating
Masarap pala sa DQ
Loner pala ang Coke kapag tumabi sa tatlong ice cream ng DQ
Posible mo palang mahit yung jackpot ng isang laro sa Tom's World
Imposible pala magkaroon ng strike sa Family Bowling 2
Meroon na palang Prescripto sa NBS
Yun lang ngayon, happy weekend!
August 8, 2009
Gala sa SMSM at Cory Aquino
Posted by XaveGregz at 8:09 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment