Okay, simulan natin sa eroplanong bumagsak.
Nag-aaral ako sa Computer para sa P.T. ng biglang namatay yung kuryente. Hindi ko na lang pinansin, baka may nag-jumper lang kasi. Maya-maya nagbukas ulit yung ilaw. Pagtingin ko sa labas, may usok. Tiningnan ko, at sumigaw ako, na parang skandaloso, "MAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYY SUNOOOOOOOOOOG!". Sinarahan ko ang bintana para hindi pumasok ang usok. At dahil mukhang malapit lang ito, nag-impake na ako. Mga damit na pang-isang linggo, mga libro ko, toothbrush at twalya. Umakyat ako sa roof deck para mas kita ko. At doon ko nabalitaan na plane crash pala yun. Sa isang bakanteng warehouse sa Villa Fidela bumagsak ito. Grabe, naabutan pa namin yung pinaka pagsabog ng eroplano. May apat na palapag rin yung fumes. Sabi sa news, 4 raw ang namatay, 3 lalaki at 1 babae. Pero sabi sa palengke, 8 raw ang namatay, 3 lalaki, 1 babae at 4 na kambing. "Roasted till charred goat available here!"
Justin Bieber
Wala lang. Medyo kaunti lang kasi yung traffic dito sa blog ko. Kaya naisipan ko siyang gawing topic. Maliit lang pala yun. 5'3 siya, at 15 na siya! Okay yun lang.... hahaha.
Pag-Eemo
Maraming nangyari sa akin the past few days. Kaya naisipan kong mag-paka-emo. Kaya, ito na ang desktop wallpaper ko.
Sa mga obserbasyon ko, ang mga magagaling na makata ay karaniwang depressed. Kaya sa next post ko, mapapakamakata ako! See you again!
October 18, 2009
Eroplanong Bumagsak, Justin Bieber at Ang Pa-Eemo
Posted by XaveGregz at 10:07 AM
Labels: 8-seater, emo, eroplano, justin bieber, las piƱas, makata, one time, villa fidela
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment