July 23, 2009

Solar Eclipse

WOO! Ganun pala ang eclipse. First time kong makakita nang solar eclipse. Since bihira nga yon (at kung magkaron naman, paepal ang panahon), ngayon nakakita. Sabi sa balita, 8:33 raw makikita ang partial eclipse, AP namin non, pilit kami ng pilit kay Sir Ahl na nageeclipse na. Sabi naman niya, "Wala, kulimlim lang yun". Kaya naniwala na lang kami, nawalan kami ng pagasa na makita pa ang eclipse, 6 minutes and 32 seconds lang raw kasi makikita ang eclipse. Pero meron paring iba na nagpumilit, nagbell na. Saktong Science namin yun. Inaya namin kay Miss Alma na manood ng eclipse. Sabi niya "Bawal lumabas eh." Kaya, ganun na lang. Sabi namin sa sarili namin, "Next na lang." Habang umiilong ang dugo namin sa lesson sa Science, nakita namin si Miss Vargas na naglagay ng batsa sa may tapat ng library. Naisipan namin na tumingin rin dun. Merong tatlong nagpaalam. At, pumayag rin si Miss Alma. Ako naman yung sumunod. Tiningnan namin yung batsa, nakita namin yung araw na bahagyang natatakpan ng buwan. Tinanong sa amin ni Miss Vargas, "Do you see it? Kung nakikita mo, ano itsura?" Sinabi ko naman, "Parang cresent po". Tumango siya. Kung isa kayo sa mga hindi pinalad na makita ang eclipse, makikita niyo to through picture. Ito yung picture ng eclipse mula sa Quezon City courtesy of Rigurat from Wikipedia

Ang ganda noh? Until next time!

0 comments: