April 30, 2010

It's Raining!

Nag-enjoy ba kayo doon sa ulan ngayong linggong ito? Ako rin eh, naibsan kahit papaano ang init. Dito kasi sa amin, tuloy-tuloy na ang ulan. Well, except for now, habang ginagawa ko kasi itong blog post na ito, sunny ang weather. Yung tipong, sunshine everywhere tapos minimum clouds. Kaya ang hiling ko, tuloy-tuloy na yang ulan! WALA NA DAPAT KOKONTRA, TAG-ULAN NA!
May problema nga lang. Acid rain raw yung bumabagsak na ulan. -_-








Picture courtesy of: www.corriere.it

April 28, 2010

Learn the Alphabet with Google!

Parang yung libro lang ng ICP.

Now class, let us learn Da 4LpHf4vH3tzZs according to Google as of April 28, 2010, Wednesday.

April 27, 2010

ANO BA ITO?

Alam niyo ba kung ano ang mga ito? Di ko maintindihan eh. Nakakaapat na ganito na ako, hindi ko pa rin maintindihan. Spambot ba ito o kung ano man? Kainis eh!




Yung rest of the pics (click to enlarge):





Pulitika ulit!

Nakita niya. HALA!

Malapit na ang eleksyon. Ang kaunaunahang automated election. Meroon na ba kayong napili? Heto ang mga listahan ng posibleng pagpilian sa eleksyon:
 Kulang pa yan. Meroon pang Bro. Eddie - Good boy, JC de los Reyes - new boy, at si Nickanor Perlas - hindi boy. Haha, hindi totoo yung sinabi ko kay Perlas, pero ewan ko lang kung totoo yung kay Jamby. Tanungin mo yan sa author ng picture na yan mula sa nickastig.tumblr.com. SINO BA KASI TALAGA? Nahihirapan ba kayo, ang nanay ko nahihirapan rin. Hindi siya makapili kung sino. Meroon siya kasing kumare na ang sinusuportahan eh si Noynoy. Sabi niya, wag raw si Villar, dahil mangunguha raw ng lupa yun. Ano namang masama doon? Kukuha lang naman ng lupa eh. Ako nga ginagawa ko yun tuwing pupunta kami sa beach. Ang gagawin ko, kukuha ako ng bote, tapos kukuha ako ng lupa, ilalagay ko yun sa bote. Yun! Tapos! Walang kahirap-hirap. Wala namang sumita sa akin. Haay, ang hirap talagang pumili. Sa bagay, sila-sila rin naman iyan.Walang humawak ng kaldero ng hindi nadungisan. Lahat sila, nakatanggap na ng pera mula sa kaban ng bayan. Maniwala man kayo o hindi. Lahat ng mga dating nasa pulitika, meroon ng nabiling gamit/damit/alahas/etc. dahil nakakuha sila mula sa kaban ng bayan. Kaya, ang ipapayo ko sa inyo na bumuboto, pumili ng tama! Anim na taon rin yan uupo.



April 24, 2010

First YouTube Video... EVER!

 
Yan ang kaunaunahang video sa YouTube
Oo, yun nga yung first YouTube video. 5 years pagkatapos iyang iupload, hindi pa rin yan nagagalaw ng mga copyright complaints, recaptcha at ng mga Jejemon. Pero yang kaunaunahang video sa YouTube ay in-upload ilang linggo pagkatapos nito ay maging accesible sa internet. Hindi kagaya ng kaunaunahang post sa 4chan, nung nagawa na ni moot ang 4chan, tinest niya kaagad yung forum. Anyways, ngayon meroong mga 1,000,000,000 videos na ina-upload sa YouTube bawat araw at karamihan doon, nadedelete dahil sa copyright complaint o di kaya, X-Rated siya.

Hubble Telescope's 20th Anniversary

When Galileo constructed his first telescope in the early years of the 17th Century, it allowed him to record the phases of Venus, to pick out spots on the surface of the Sun, and to discover the four moons of Jupiter that would later take his name.
But no early Italian genius of astronomy could ever have conceived of the images that today's most famous telescope have given us. Since the space shuttle Discovery left it dangling in the heavens on 24 April 1990, Nasa's Hubble Telescope has produced unfathomably beautiful photographs of expanding supernovas six light years wide; thousands-strong clusters of stars held together by their own gravity; far, far away galaxies resembling deep-sea creatures; echoing black holes and vast, glowing clouds of hydrogen gas, floating somewhere out in the dark.
Hubble has shown us that space is everything that we – or David Bowie, or Pink Floyd, or Stanley Kubrick, or George Lucas or, indeed, Galileo himself – always imagined it might be. The images of the universe that it has beamed back to Earth in its two decades aloft have validated and outstripped Star Trek, a thousand prog-rock LP covers, even that speech of Rutger Hauer's from the end of Blade Runner about "attack ships on fire off the shoulder of Orion." As far as we ignorant masses are concerned, its discoveries have turned science fiction into scientific fact... click to read more

April 23, 2010

Acoustic!


Cover ni Hayley Williams sa Bad Romance
Yay! Random blog post ulit! Para naman ito sa mga nabo-bore na sa common electro-crap na naririnig niyo. Okay sige, beginning the YouTube video dump.

 
Forevermore - Side A

 
21 Guns - Green Day feat. Cast of American Idiot

 
Viva La Vida (Cover) - Lady Gaga
Yun na mga guys. Tapos para ma-energize ulit kayo, heto ang Tic Tac Toe para sumigla sigla kayo. = P

MAINIT!

Haaay. Ang init na ng panahon ngayon. Summer pa naman. Dagdag mo pa diyan yung extra init dahil sa El Niño. Di lang naman tayo ang naiinitan, si Rubi naiinitan rin sa loob ng elevator, lalo na kapag may kasamang lalaki (kung meroon kayong link sa episode na yon, paki-comment lang ah!). Forecast ngayon ng PAGASA, 24-37 Celsius ang temperatura. Dagdag pasakit diba? Di bale, pinalaki ako sa isang pamilyang may alam sa lumang paniniwala. Kapag marami ka nang gagamong nakikita, malapit na umulan. Kaya, forecast ko? Next month uulan na yan. Promise. = P

 Pahabol lang. Solar flares yan, yung parang nabalita kahapon. 
FYI, hindi nakakadagdag ng init ang mga solar flares.
image courtesy of: dgsphysics.wordpress.com

April 22, 2010

Jejemon!!!1

 

Anti-Jejemon!
Haaay. Alam mo yun? Yung tipong 64N!+0wH m46H+y93? 0uH, 64nY4n N6a. Grabe, ayaw ko na. Parang nag-generate na ako ng tripcode para sa 4chan. Side-by-side comparison kaya?
 Hmmm... Interesting.
Walang pagbabago noh? Haay. Sayang naman yung pagkaimbento ng spell check. Di lang rin pala nila gagamitin. Tapos, nakaimpluwensya na rin sila ngayon ng mga sikat na tao. Katulad ni Stevie Wonder.
 Naiintindihan niyo ba? Ako, hindi.

Haay, parang sila na nga ang susunod na "The Shame Monster" kaso may problema. Hindi mapagkakasya ang mga mukha nila sa template na ginawa ko sa Photoshop! Bahala na lang. Pero alam ko, one day, maybe not now, maybe not tommorow, but one day, titingnan natin ang kahulihulihang piraso ng Jejecap at sasabihin natin "Bakit isa na lang?"
  Pahabol ah. Yan ang Jejecap na tinutukoy ko sa taas.

UPDATE: Nakarating na sa balita ang tungkol sa mga Jejemon. Grabe, EPIDEMYA NA TO!

LET'S MAKE A SANDWICH!

Image courtesy of: bara-chan.deviantart.com
Random blog post. Haha.
Marami akong inimbentong mga pagkain.Ang bacon, nilalagyan ko ng chokolate, ang kanin nilalagyan ko ng asukal, at marami pang iba. Nagkakanda-LBM nga ako sa paggawa ko ng mga ganyan eh. Pero masya naman. Masarap rin naman. Sabi nga diba, no pain, no gain. hahaha

 
Pahabol lang!
UPDATE: Mafe-feature si Lady Gagita sa Kapuso mo, Jessica Soho sa Saturday!

PULITIKA!

Pababalikin niya raw ang mga Jejemon sa Elementarya

Okay. 18 days na lang, eleksyon na.18 days na lang, magaganap na ang kaunaunahang automated election dito sa Pilipinas. Alam niyo na ba kung paano ang proseso ng pagboto? Eh ang itsura ng balota? Sa mga hindi pa nakakaalam, heto nasa baba. Kinonvert ko pa yung PDF galing sa website ng COMELEC para maging JPEG.
Click niyo na lang ang balota para makita niyo full size.





Voter's Education yan!

Tandaaan, iboto niyo yung sa tingin niyo ay magaling na pinuno. Wag magpapadala sa limangdaang piso lang. Ayaw natin magkaroon ng panibagong "The Shame Monster" diba?
 The Shame Monster

 Pictures: Gibo Jejemon & Noynoy Glee: paupaoczon.tumblr.com
Official 2010 Election Ballot: comelec.gov.ph
The Shame Monster: Galing sa akin yan!

April 21, 2010

KFC Double Down Sandwich

Kita niyo ba yan? Yan ang KFC Double Down Chicken Sandwich. Mukhang masarap noh? Ako rin natatakam, pero mukhang gusto akong patayin niyan. Mantak mo, pinalitan nila yung buns ng chicken filet. At sa ilalim 'non meroong "dalawang pirasong bacon, dalawang melted slice ng Monterey Jack at pepper jack na keso, at ang Colonel Sauce". Mukhang nakakatakam nga. Tinatranslate ko pa lang sa Tagalog tumutulo na ang laway ko eh. Sana meroon na niyan sa Pilipinas. Kaso nga lang, mahal. Kinonvert ko ang $6.99, na presyo ng Double Down, sa Pesos. P310.50 P370 ang magiging presyo nito (VAT included na yan). Sa bagay, worth it naman. Parang iPad.
(psst.. meroon na itong commercial sa Amerika. nasa baba!)

Picture courtesy of : sweetater.wordpress.com

Recaptcha

Nababasa niyo ba? Yung second word. Ano ba yun? Kung ano-ano naman ang pinapatype eh. Rummages tapos ~'˥ɹ (kailangan ko pang maghanap ng flip text generator para dun)

Lo, this is LOLHALOHALO. Bringer of lolz.

Oh yes. Nagalaw ulit yung blog. Si Xave parin 'to! Walang pinagbago! Design lang ang bago. Amazing noh? Summer naman ngayon kaya gagalawin at kakalikutin ko ang blog ko. Yay!