WOO! Ganun pala ang eclipse. First time kong makakita nang solar eclipse. Since bihira nga yon (at kung magkaron naman, paepal ang panahon), ngayon nakakita. Sabi sa balita, 8:33 raw makikita ang partial eclipse, AP namin non, pilit kami ng pilit kay Sir Ahl na nageeclipse na. Sabi naman niya, "Wala, kulimlim lang yun". Kaya naniwala na lang kami, nawalan kami ng pagasa na makita pa ang eclipse, 6 minutes and 32 seconds lang raw kasi makikita ang eclipse. Pero meron paring iba na nagpumilit, nagbell na. Saktong Science namin yun. Inaya namin kay Miss Alma na manood ng eclipse. Sabi niya "Bawal lumabas eh." Kaya, ganun na lang. Sabi namin sa sarili namin, "Next na lang." Habang umiilong ang dugo namin sa lesson sa Science, nakita namin si Miss Vargas na naglagay ng batsa sa may tapat ng library. Naisipan namin na tumingin rin dun. Merong tatlong nagpaalam. At, pumayag rin si Miss Alma. Ako naman yung sumunod. Tiningnan namin yung batsa, nakita namin yung araw na bahagyang natatakpan ng buwan. Tinanong sa amin ni Miss Vargas, "Do you see it? Kung nakikita mo, ano itsura?" Sinabi ko naman, "Parang cresent po". Tumango siya. Kung isa kayo sa mga hindi pinalad na makita ang eclipse, makikita niyo to through picture. Ito yung picture ng eclipse mula sa Quezon City courtesy of Rigurat from Wikipedia
Ang ganda noh? Until next time!
July 23, 2009
Solar Eclipse
Posted by XaveGregz at 6:09 PM 0 comments
July 15, 2009
May Trangkaso
WOOHOO... meron akong trangkaso. Absent ako ngayon eh. Tama nga si Gillian, masaya kapag absent. Pero, baka meron silang gawin eh. Haaaaaaaaayy...
July 11, 2009
Michael Jackson at Outreach
Guys, buhay pa ako.... busy lang kasi masyado. Pero ngayong nakabalik na ako, balik blogging na ulit.
Michael Jackson
Oo, patay na si Michael Jackson. Alam kong sobrang last week na to. Pero gusto ko paring iblog eh. Isa sa mga paboritong kanta ko ay ang kanta niyang Man in the Mirror. Basta, alam ko namang alam niyo na yung mga detalye eh. RIP MJ.
Outreach
Dahil mababait kami *wink* *wink* nag outreach program kami. Nakakamiss yung mga bata. Yung alaga ko ang tahimik... sobrang tahimik. Parang yung isang kaklase ko, parang pipi, kung tatawa ngingiti lang. Hindi ko talaga yun makitang tumawa ng sobrang histerical. Going back, yun nga nagpakain kami ng mga bata...
(Clarification:
Hindi namin pinakain yung mga bata, ang ginawa lang namin, pinakain yung mga bata ng pagkain. Mas malinaw na diba???)
Masaya yung outreach namin...
Ito yung mga pics:
1. Get a pen and a piece of paper
2. Read every instruction carefully before proceeding.
3. Write your full name on that paper.
4. Beside your name draw a circle.
5. Beside the circle, draw another circle.
6. Make a curved line under the circle.
7. Shout your maiden name out loud three times.
8. Look behind you.
9. Add 1975574 and 45464735135 at the back of the paper.
10. Subtract the sum with 900000.
11. Multiply it with 4.
12. Divide it with 5.
13. On the front of the paper, below your name write any website that comes in your head.
14. Say I love you three times.
15. Say I hate you four times.
16. Get a glass of water.
17. Drink the water.
18. Take a picture of yourself.
19. Ignore all the instructions and just follow steps 1-3 to complete this activity.
Hahaha.. bb na!
Posted by XaveGregz at 4:57 PM 0 comments
Labels: activity, king of pop, lolz, michael jackson, outreach, pahirapan