November 15, 2009

Pacquiao, Cotto at "Pulling Hair"

YES!!!! Panalo si Pacman! Halos zero crime rate na naman ang Metro Manila! Ang saya-saya! Saan kayo nanood? Ako, doon sa Olivarez, at, kung nandoon rin kayo, grabe ang speech ni Ed Zialcita! As I quote, "Kama? Kamang 33,000?". Yun, masyadong mahaba eh, mahaba na para matapos ang 10 rounds ng boxing. SONA na ata yun ah! Ayun, kawawa si Cotto. Lamog ang mukha at duguan. TKO ng 12th round yung nangyari. Eh ano naman ngayon yung tungkol doon sa Pulling Hair? Yun yung sinabi ni Pacman sa commercial niya ng Head and Shoulders. And I quote "Pulling hair? Bago ka ma-knocout niyan, subukan mo ito." Hahaha.

PERSONAL UPDATE:
Light diet muna ako ngayon dahil masakit ang tiyan ko. Ewan ko ba kung may amoebiasis ba ako o diarrhea o constipation. Dahil diyan, marami na saking pinainom na gamot. Kaya hyper ako ngayon!!!! As in HYPEEEEEEEERRRRR! Nga pala, habang ginagawa ko itong blog post na ito, locked yung buong bahay namin at stranded ako sa bubong. I take that back, dumating na ang nanay ko at bubuksan na ang bahay! Yay!

November 13, 2009

Zombie na Michael Jackson at New Moon

Natatandaan ninyo pa ba yung dati kong blog post? Yung tungkol sa New Moon, sinabi ko doon na hindi ma-ipe-premiere dito sa Pilipinas ang New Moon. Hihingi lang ako ng patawad dahil sa November 19 ang premier ng New Moon. Okay, moving along.

Kung naglalaro kayo ng Plants vs. Zombies, at nakarating na kayo sa level 2-7, malamang nakita niyo na ito:

Oo, yan. Yan ang zombie na Michael Jackson. Bwiset nga lang, may back-up dancers pa yan.

Okay, ito na ang bagong segment ng mga blog posts ko! Heto na ang You Know?
I Know Na #1
Huwag na kayong magtago ng langis, tatanggalin na naman ang price ceiling! YOU KNOW?