June 13, 2009

Independence Day

Hindi ko kayo nakalimutan... siyempre, nagsimula na ang klase. Busy masyado. Ang daming homework . Kala ko nga ipapass na yung Religion assignment namin bukas eh. Hindi pala. Naiwanan ko pa yung formal theme sa Filipino, pinacocoveran samin ng pulang art paper/colored paper/kahit ano basta pula. WAAAAH!!! Moving right along...

Independence Day kahapon, walang pasok. Gusto ko sanang magblog pero, mabagal ang internet namin. Alam niyo naman kung ganong kabagal diba? Babatiin ko lang naman kayo ng Happy Independence Day. Yun lang. = )

June 6, 2009

Blog Update 1.1

Yes! Meron nanamang mga pagbabago dito sa blog!

1. Meron na itong sariling favicon. Hindi na siya yung B ng blogger. Yung smiley na nasa Friendster layout ko. Yun na yung favicon.

2. Idinudump ko na ang dot.tk URL ko. For now, kailangan mo nang itype ang buong URL ng blog. mixednoodlesoup.blogspot.com

3. Meron nang search box ang blog na ito!

4. Yung navbar ng blogger, makikita mo na lang siya kapag nag mouseover ka sa may itaas.

5. Lalagyan ko na ng labels ang mga blog post ko

June 4, 2009

A(H1N1) Update

22 na ang kaso ng Swine Flu dito sa Pilipinas. Pano kasi mali yung gamot na ginagamit nila. Pero meron akong kakilala na pumunta sa ospital, magpapaconfine siya. Sinabi niya sa admitting section na magpapaconfine siya dahil may Swine Flu siya. Sinabi ng doktor, o sige, kailangan lang pong bayaran ang mga admission fees. Eh ang sinabi niya, eh pano yun? 100 lang dala ko. Sabi naman ng doctor, ay sorry po, hindi po namin kayo maadmit hanggang hindi po kayo nagbabayad ng deposit. Sabi naman niya, Ay, ganon? O sige, manonood na lang ako ng sine. XD

Nga pala, sa mga taga-DOH, alam ko yung tamang gamot para sa A(H1N1).... Lysol ang gamitin niyo. Diba sabi sa commercial, "Kills the dreaded flu virus" hahaha

Have a great day! = P

Takipsilim: Bagong Buwan

Tinagalog ko lang. Kung napanood niyo yung Twilight, swerte niyo. kung hindi naman, ito yung full movie. Kung binasa niyo naman ang lahat ng mga Twilight books, ang sequel ng Twilight ay ang New Moon. November 20 ito ipalalabas, sa US. Sorry Twilight fanatics tingnan niyo pa yung website kung nasaan ang mga release dates, wala doon ang Pilipinas. Di bale Twilight fans, I'm sure masasatisfy ko naman kayo kapag ipinakita ko sa inyo yung official poster diba?


Okay na ba kayo? Hindi pa? Edi ito yung official trailer:

Kasalanan ni Jasper yung lahat, kasalanan rin niya kung bakit nagkaron nito. = ) Alam mo, since in topic naman ang CHACHA ngayon... pano kayo kung si Gloria at ang mga achuchu niya ang ilagay natin? Ay sus, ang ganda siguro non? hahaha

Nga pala, kahit hindi magprepremiere dito yung New Moon, mapapanood mo pa rin naman yun eh. Either original copy (mga P700-P800) o kaya pirated (mga P70-P100)

June 3, 2009

Boogie, Tango, CHACHA

Yes. Nakikisawsaw na rin ako sa politika. = ) Grabe eh. Objection ng objection yung minorya tapos si house speaker naman, ayaw makinig. Sabi nga ng lolo sa commercial ng Lucky Me.... "Ay binge." Paano kasi yung nagsabi ng "I", mga achuchu ni Gloria, yung mga nagsabi ng "Nay", kabayo, este, oposisyon. Grabe, pinagpuyatan nila yung CHACHA. Pero, parang kasi may hidden agenda sila eh. Ewan ko ba kung ako lang nakakapansin, kasi ayaw nila sabihin kung ano yung mga benefits na makukuha nila at ng tao. Hmmmm... ano kaya to? Bahala na lang. Kung ano ang mangyari dun sa CHACHA nila... sana gawin na lang nila sa ballroom. hahaha

Nga pala, may bagyo ba? Parang ipoipo kasi yung hangin eh.

June 2, 2009

Nakagat ako ng aso

Yes, it's true. Kinagat ako ng aso namin. Sa kamay, sa right hand ko pa. Pero hindi naman siya talagang kagat eh. Yung parang nagpantal lang ba. Wala namang dugo. First time akong makagat ng aso. Pero nakagat na ako ng pusa dati. Pano kasi, natapakan ko yung buntot ng pusa. Kung pwede lang ngang resbakan yung pusa eh. Kaso nga lang pinagbabawal ng batas. Pero, look at the bright side, kapag nakita yun nang animal protection organization, ipapabalita, at kapag napabalita, ang dami nang bibisita sa blog. Yay! Kung kaya ko lang ngang magibento nang ganong kabrutal na eksena.... hay

PASUKAN NA!!!!

Hay, ano ba yun? Parang walang nangyari nung bakasyon. Ngayon, pasukan na. Buti na lang yung SJA sa June 8 pa yung opening. Binigay ko ang link sa site nila para pagdating ng June 5, makita mo kung anong section ka, kung tinatamad ka naman, ipopost ko dito ang mga section ng 1st Year at Grade 6 ng SJA. Kung gusto niyong makita ang iba pang grade level, pagbotohan niyo na lang sa poll sa right side nitong blog. Moving right along, ano pa ba yung gagawin mo sa natitirang araw ng bakasyon? Bigyan na lang ko kayo ng tips kung ano pa yung pwede gawin niyo sa natitirang araw ng bakasyon.

1. PSP/PS2/PS3/XBOX/DS maghapon
2. Magbabad sa araw. (Kung hindi kayang mag-beach, sa taas na lang ng bubong)
3. Mag sky diving nang walang parachute
4. Gumawa ng hukay sa lupa, magpagawa ng lapida at ilagay ito sa itaas ng hukay, pumunta sa pinakamataas na lugar sa bahay niyo, tapatan ang butas at tumalon. Kapag nandun ka na, matulog ka nalang tapos paggising mo nasa heaven/impyerno ka na. (Kung walang pakelam ang pamilya mo)
5. Kung ayaw mong gawin ang number 3 at 4, maggm ka na lang ng maggm sa cellphone. Hayaan mo kung walang nagrereply, isipin mo na lang:
a. low bat
b. walang pakelam sayo
c. walang load
d. ayaw magunli/inaantay pa ang confirmation
e. patay na sila pero ayaw magparamdam

Yun lang = ) sana naging masaya ang bakasyon niyo.

Nga pala, sino nakakaalam ng direct telephone number ng may-ari ng PLDT. Ang bagal ng internet namin eh. Parang bang ganitooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo.

Oooops, nasira ko ata yung layout ng blogger.... anyways. hahaha